strawberry choco-coated notebook

Wednesday, February 15, 2006

almost red

yesterday, Valentine's day, i had the chance to talk to my crush, but then... well, i just don't know what to do whenever he's near! i mean... i'm a jelly. yah. that's it. torpe, kumbaga. no exaggeration ha... pero kung kelan in-e-expect kong medyo walanghiya ako, doon ako nawalan ng loob, partly siguro dahil napaligiran s'ya ng ibang mga dilag na kumausap sa kanya bago ako mag-initiate dapat ng conversation... pag-ibig nga naman o... pag-ibig nga ba?...
but because of Reg's actions, tinging ko obvious na 'ko... kulang na lang talaga sabihin ko sa kanya paglapit ko, "alam mo ba, crush kita?" ewan ko lang kung ano magiging reaksyon nun, ewan din kung mag-f-feeling in hell or confused (whatever) kami after (kung gagawin ko man), at ewan ko lang din kung ako lang ang magiging awkward ang feeling... ewan lang talaga. hanggang ewan na lang ba 'ko? pero, alanganerz namang gawin ko nga 'yun 'di ba? baka mag-suicide pa 'ko kung sakaling nagawa ko nga 'yun at nainis ako sa sarili ko dahil na-violate ko ang sarili kong prinsipyong dapat lalaki ang mauuna sa pagsabi ng nadadama... ('yan ang siguradong hindi ewan ang sagot... sigurado lang naman akong hindi mangyayari 'yan. bwahahahaha!!!) going back... hindi naman kaya pare-pareho lang ang lahat ng mga lalaki?... i mean, hindi kaya kapag bigla akong umamin e mag-feeling na siya? (tulad ng karamihan ng mga lalaki?...) how would i know if i do not try?... pero, why would i try nga?!? hmm... dito pa lang confused na 'ko, hindi ko na malaman if i should still push through & if i should let him know how i feel... hindi ko naman sasabihing i love him e!!! no big deal dapat, 'di ba, kapag sinabi kong i like him? 'di ba?...... haaay... buhay nga naman, oo... parang life! -_-
siguro ang dapat ko na lang problemahin ngayon ay kung paano sisimulan ang usapan na parang ako si Reg, cool lang, parang normal lang, parang 'friendships!', carefree... paano magsisimula, ano ang pag-uusapan, paano ang flow, at paanong hindi mag-sh-shudder & stutter!!! or, better yet, problemahin ko na lang kaya kung paano tatapusin 'yung mga requirements para sa skul?!? *blag*
i'm going... i should.
belated happy Valentine's day! (hey, you oughta treasure this greeting 'cause it's aging slowly...fossilizing!!! nyek!... corny... ever!!! tsk tsk.) ok, gotta get moving... really.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home